BAYAN BROADBAND CUSTOMER SERVICE





Experience by MS_Sulit

Maganda signal ng Bayan broadband sa Makati, mabilis pero wala silang customer service whatsoever! I called their hotline. Mga call center agents dun, di marunong mag troubleshoot. Ang alam lang nila sabihin "Try to restart your PC". Yun lang daw kasi ang tinuro sa kanila. (Di kagaya ng sun broadband. My sister has Sun. Magagaling yung technical assistance ng Sun over the phone.).

Anyway, back to my story, sabi sa hotline, di daw kasi sila technician and di rin daw sila nagpapadala ng mga technicians for home service. I have to go to the Bayan wireless center daw.

Pagdating sa Bayan wireless center (Waltermart Pasong Tamo), sinubukan ng teller yung broadband. di rin niya mapagana. tumawag siya ng lalaki. Tinry ayusin. Ayaw din. Sinubukan niya ng ibang broadband sa laptop ko, gumana. Binalik niya yung broadband ko, ayun gumana na rin. sabi ko anong ginawa niya bakit gumana na? di daw niya alam. di daw kasi siya technician. i tested it, changed the settings, restarted the computer and retyped the settings. ayaw nanaman gumana. I asked them to fix it. di daw nila maayos dahil di naman daw sila technician. marketing agent lang daw. so sabi ko asan ba yung technician? wala daw.

so i said, palitan ko nalang yung usb ko. sabi nila, di daw nila pwede palitan. dapat daw tawagan ko daw yung agent na nagbenta sa akin. sabi ko di ko naman kilala. i just called their hotline and inquired the Bayan broadband. Malay ko bang 3rd party agent yun. sabi nila dapat daw tinanong ko ang pangalan kasi yun lang daw pwede mag change ng unit. iba raw sila. sabi ko, "iisa ang hotline niyo, malay ko bang hindi bayantel ang sasagot".

Sa bwisit ko, sabi ko ayoko na talaga. cancel nalang. kahit mabilis broadband nila, kung 2 years ako mag su suffer ng ganyang service, wag nalang!

Ang good lang sa kanila may 15days trial sila. pwede mo isauli yung unit. And totoo nga, kasi that same day, sinauli ko. binalik nila agad 1,000 ko. pero mukhang sanay na sila sa mga nagbabalik eh kasi no questions asked na sila.

2 comments:

  1. Dear MS_Sulit,

    This is Dennis Cruz of Customer Support for Data & IP Services of Bayan Telecommunications. I’d like to apologize for what happened with the service.
    Can you possibly send us your account details as well as your contact number/s for us to get in touch with you? You may email us at customersupport@bayan.com.ph

    Thank you.

    ReplyDelete
  2. I agree, your service is a failure. First, had a problem getting hook up with you, the rep from bayantel naga city, assured me that installation will be fast since we already have our bayantel landline, only to find out that the name on the existing account is not the person who filled out the form to bundle internet and landline which caused a delay
    Second, you have a very poor internet connection. I requsted for 3Mbps but everytime I do speedtest, it only show 0.25Mbps for download to 0.05Mbps upload? That's frustrating, speedtest page would even take some time to load! Very hassle. Third, you also have a poor customer support website, which doesn't work whenever I try sending my complaint, I had to retype everything I wrote from the beginning! I'm gonna have to cancel your service if this will not get resolved the soonest time.

    ReplyDelete